Sunday, October 4, 2015

For your One Month Birthday Celebration Ate Jassy


To my dearest cousin/bestfriend forever/long lost sister/food buddy/movie marathon buddy at marami pang iba Happy Birthday!!! :)) (sorry hindi na ko nakagawa ng letter at napapost office kulang na din kasi sa time eh kaya eto nlng blog tutal tayo lang din naman makakabasa nito kaso ikaw lang may alam na may blog ako hahahaha)

Thank you sa lahat ng times na kasama kita actually hindi ko din talaga alam gagawin ko kung wala ka sa buhay ko eh. Diba nga takot ako sa tao (hahahaha so hindi tayo tao baka alien tayo). Ang dami ko pang ikekwento sayo pero siguro kapag nagkita na lang ulit tayo sa bakasyon sa inyo naman ako magbabakasyon eh. :)) Tapos magkocontemplate tayo about life kung bakit nagbabago ung mga ugali ng tao or kung bakit naging ganun ung iba and stuff na pinagkekwentuhan natin kapag ayaw pa natin matulog pero kailangan na matulog. Tapos thank you talaga nung time na namatay tatay ko yung hindi mo ko pinapabayaan na mag-isa kahit na tinatawag ka na nila tita. Thank you sa mga food trip natin kahit na ikaw lagi yung nagbabayad (hahahaha next time kapag nakapagtrabaho at nakapagipon na ko kayong dalawa ng nanay ko yung una kong ililibre promise pero hindi ko alam syempre kung Jollibee yun). Sana in the future matupad natin yung pangarap natin na kahit ayaw ng iba at least sa sarili natin alam natin na pinaghirapan natin at hindi sinukuan kahit na kung anu-ano pa yung mga sinasabi nila. Tapos ayun wag ka maingay ah baka lumipat na din kami ng nanay ko ng bahay pero hindi pa naman ngayon baka kapag nagkatrabaho na ako ganun basta ayun kaya gusto ko din magbakasyon diyan sa inyo eh para uuwi daw muna nanay ko sa novaliches. Basta bahala na. Whew konting taon na lang gagraduate at magboboard/bar exam na tayo kaya dapat maging ok na yung mga grades natin :)) wala na dapat papetiks-petiks hahahaha basta kapag naging successful tayo hindi dapat natin kalimutan yung mga tao na tumulong sa atin. At dahil malapit na and sembreak marami na ulit tayong gagawin pero mauuna muna yung plano tapos hindi na ulit matutuloy hahahaha. Tapos magpapapayat na din tayo para mas marami yung mga choices kapag bibili ng damit sayang kasi minsan maganda nga yung design wala namang sizes :)) Tapos magtravel tayo kasama sila ate abby at kuya adri hahaha feeling ko fun yun pero syempre dapat magipon muna ako :)) Thank you sa pagaalaga sakin hahahaha (parang baby lng hahahahaha). Marami pa tayong time para makapagtravel yey J yung plano nating around the world tapos magiipon na din ako ng pambili ng camera natin pagkanagtravel tayo (waahhh excited na ko J)Thank you sa mga times na tinetext kita ng mga nobela kong mga story tpos magrereact ka tpos mageexplain at advise hahaha. Thank you at binigay ka ni God sakin para maging pinsan na kahit ang daming problema nandyan ka pa din hindi mo ko iniiwanan. Thank you sa lahat lahat tandaan mo nandito lang din ako kapag may mga problema ka kung kailangan mo ng kasama kung may irarant ka tungkol sa iba. ayun hahahaha sa bakasyon na yung regalo mo hindi ko pa nababalot eh :)))